Bus, inararo ang parada sa Haiti, 34 ang patay

HAitiPatay ang hindi bababa 34 na katao at sugatan ang 17 iba pa matapos sagasaan ng rumaragasang bus ang parada sa Haiti.

Ayon sa Civil Protection Authorities ng Haiti, sinagasaan ng bus ang nagaganap na “rara” parade na nilalahukan ng grupo ng mga musikero at tumutugtog noon ng traditional instruments.

Ayon kay Marie-Alta Jean Baptiste, director ng Civil Protection Authority, unang nakasaga ang bus ng dalawnag katao kung saan nasawi ang isa at sugatan ang isa pa.

Dahil sa nasabing aksidente, tinangka ng druver ng bus na tumakas, dahilan para masagasaan naman nito ang tatlong grupo ng mga banda ng “rara musicians”.

 

Read more...