Relihiyon at Diyos, kinwestyon ni Pangulong Duterte

By Jay Dones March 13, 2017 - 04:31 AM

 

Screengrab RTVM/PCOO

Hindi na lamang ang Simbahang Katoliko kung hindi ang mismong relihiyon at ang Diyos ang kinwestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Muling pinasaringan ni Pangulong Duterte ang relihiyon sa kanyang talumpati sa ika-35 taong anibersaryo ng PDP-Laban.

Sa kanyang talumpati, sinabi nito na ang Pilipinas na lamang ang tanging bansa na matindi ang debosyon sa relihiyon.

Bagama’t maganda aniya na nakabase ang pananalig ng tao sa relihiyon, hindi aniya dapat ibinubuhos dito ang buong buhay ng isang mamamayan.

“We are the only country with so much fervor sa religion and yet, talagang pababa tayo,” giit ni Pangulong Duterte.

“ So much prayer, maganda yan, ang problema isa nadadala ba itong buhay natin sa religion?”

“OK yang may relihiyon ka, pero kung ipusta mo lahat diyan… “

“The tragedy of it all, actually is, inimbento kasi ng…..sa atin lang, yung heaven and hell, and for the life of me I can not understand a God, who created us lahat tayo, but has reserved a certain place there in the universe as hell for us to go there. Kung ikaw yung Diyos at nakikinig siya, because You are all knowing, bakit mo pa ako pinagawa sa mga nanay pati tatay ko pero ang dead end ko pala sa impyerno, susunugin ako. What kind of God are you in the first place?” tanong ng Pangulong Duterte.

Gayunman, iginiit ni Pangulong Duterte na wala namang problema kung manalig ang mamamayan sa relihiyon ngunit kailangang kinukuwestyon rin ito paminsan-minsan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.