35 patay, marami pa nawawala sa landslide ng basura sa Ethiopia

By Kabie Aenlle March 13, 2017 - 04:23 AM

 

ethiopia landslideUmabot na sa 35 katao ang nasawi, na karamihan pa ay pawang mga kababaihan at mga bata, habang marami pa ang naitalang nawawala matapos ang landslide sa isang malaking garbage dump sa Addis Ababa, Ethiopia.

Ayon sa tagapagsalita ng Addis Ababa city na si Dagmawit Moges, maraming bangkay pa ang inaasahang madidiskubre sa ilalim ng basura.

Hindi pa malinaw kung ano ang naging dahilan ng matinding landslide sa Koshe Garbage Landfill, Sabado ng gabi sa Ethiopia, na naging dahilan para mailibing ang mga barong-barong na kabahayan, maging ang mga konkretong gusali.

Nasa mahigit 50 taon nang nagtatambak ng basura ang siyudad sa nasabing landfill, na naging tahanan na rin para sa maraming residente.

Tinatayang aabot sa 150 katao ang naroon nang mangyari ang landslide, at ayon kay Addis Ababa Mayor Diriba Kuma, 37 na ang nasagip at kasalukuyang nilalapatan ng lunas.

Karamihan sa mga residente malapit sa landfill ay naroon dahil sa kabuhayan na pangagalkal ng basura, habang ang iba naman ay piniling doon manirahan dahil sa mga murang paupahan.

Dahil sa insidente, nangako ang lokal na pamahalaan na mas pabibilisin na ang isinasagawa nilang resettling program para mailipat na ng tirahan ang mga residente sa paligid ng landfill.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.