Pagkontra ng relihiyon sa family planning, hindi na naaayon sa panahon-Duterte
Ang relihiyon, hindi na naaayon sa panahon.
Ito ang pananaw na binitawan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng mga dumalo sa ika-35 taong anibersaryo ng kanyang partidong PDP-Laban kagabi sa Pasay City bilang tugon sa pagkontra ng relihiyon sa family planning.
Sa kanyang mensahe, inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagpabor sa paggamit ng iba’t ibang uri ng ‘birth control’ kahit noong siya aniya ay alkalde pa lamang ng Davao.
Noon aniya, kanyang binibigyan ng trabaho at limang libong piso ang isang ina na marami ng anak na humihingi ng tulong ngunit kapalit nito ay ang pangakong magpapa-ligate na ito.
Hindi rin aniya epektibo ang ‘natural family planning method’ sa mga Pinoy dahil na rin sa ‘init’ o ‘libog’ na nararamdaman ng isang tao na aniya ay ‘instant’.
Naging sentro pa ng biro sa talumpati ni Pangulong Duterte ang pagiging bukas na umano ng Santo Papa sa pag-aasawa ng mga paring Katoliko.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Duterte na tama lang ang Santo Papa dahil maging ito ay batid ang pangangailangan ng mga lalake, maging ang mga pari.
Pabiro pang sinabi ni Duterte na posibleng magkaroon na ng ‘Ma’am Pope’ pagdating ng araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.