Militar, palalawigin ang pagpapatrulya sa Benham Rise
Dadagdagan ng militar ang presensya nito sa bahagi ng Benham Rise matapos na Makita sa lugar kamakailan ang ilang mga sasakyang pandagat ng China.
Una nang sinabi ng China na ‘innocent passage’ lamang ang pagdaan ng barko ng China sa naturang lugar.
Dagdag pa ni Defnse Secretary Delfin Lorenzana, maglalagay rin ng istruktura ang Pilipinas sa Benham Rise upang magsilbing paalala sa mga dayuhan na bahagi ang lugar ng teritoryo ng Pilipinas.
Kasabay nito, pinasalamatan rin ni Lorenzana ang China sa mabilis na pagtugon nang kanyang isiwalat noong nakaraang linggo na nakita ang isang barko ng China na nagsasagawa ng ‘survey’ sa Benham Rise.
Ang Benham Rise ay isang undersea region na may lawak na 13 milyong ektarya na matatagpuan sa silangang bahagi ng Luzon.
Taong 2012 nang ideklara ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang naturang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.