Resumption ng peace talks, suportado ng AFP

By Isa Avedaño-Umali March 12, 2017 - 04:34 PM

 

Inquirer file photo

Suportado ng Armed of the Philippines o AFP ang pagbabalik ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at CPP/NPA/NDF.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, mula’t sapul ay kinakatigan nila ang mga inisyatibo ng gobyerno para matamo ang pangmatagalang kapayapaan, lalo na sa bahagi ng Mindanao.

Katuwang din aniya ang AFP sa lahat ng peace negotiations na pinasok ng mga nakalipas at kasalukuyang administrasyon.

Gayunman, sinabi ni Padilla na hinihintay pa ng AFP ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte at official communication mula sa government peace panel hinggil sa unilateral ceasefire.

Bunsod nito, sinabi ni Padilla na magpapatuloy pa rin ang lahat ng military operations.

Ang informal talks sa pagitan ng gobyerno at NDF ay naganap sa Utrecht, The Netherlands noong March 10 at 11.

Ang pulong ay hosted ng third party at facilitator Royal Norwegian Government.

Noong Pebrero, sinuspinde ni Pangulong Duterte ang unilateral ceasefire laban sa mga rebelde matapos mapaslang ang ilang tropa ng militar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.