Hindi magkakaroon ng kakulungan sa suplay ng kuryente sa 2016, partikular sa panahon ng National Elections.
Ito ang sinabi ni House Energy Committee Chairman Reynaldo Umali, ayon aniya sa pagtitiyak ng Department of Energy sa harap ng problema pa rin sa power supply sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon kay Umali, may mga power plant na inaasahang papasok sa power grid sa darating na Nobyembre hanggang sa unang quarter ng 2016.
Kasama na aniya rito ang aabot sa 3000 megawatts na papasok sa grid ng Mindanao.
Maliban dito, sinabi ni Umali na siguradong magagamit pa rin ang Interruptible Load Program o ILP sakaling magkulang ang suplay ng kuryente sa mismong araw ng botohan.
Ani Umali, na-institutionalize na ang ILP system kung saan sa Luzon pa lamang, may 620 megawatts na para tiyak na maisusuplay anumang oras na kailanganin.
Sa katunayan aniya, nitong mga nakalipas na linggo ay aabot sa walong yellow alerts ang naranasan ng Luzon bunsod ng paghina ng power supply, pero wala naman daw naranasang brownout dahil sa ILP.
Sa kabila nito, pinayuhan ni Umali ang gobyerno na maghanda pa rin lalo’t nagbabanta ang epekto ng El Niño sa power supply, at maaaring hindi gumana ang hyrdo-electric power plants dahil dito./ Isa Avendaño-Umali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.