Iza Calzado, itinanghal na Best Performer sa Osaka Film Festival 2017
Wagi ang aktres na si Iza Calzado sa katatapos na Osaka Filim Festival 2017.
Nakuha ni Iza ang Yakushi Pearl Award o Best Performer Award para sa kanyang role sa pelikulang ‘Bliss’ ni Director Jerrold Tarog.
Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni Iza na dedicated ang kanyang award sa staff at crew ng pelikula.
Ang ‘Bliss’ ay tungkol sa buhay ni Jane Ciego, na nag-umpisang umarte sa murang edad.
Naging film producer din siya subalit naaksidente, na nagbunsod sa kanya na makarinig ng iba’t ibang tunog o boses ng mga tao na nais umano siyang saktan.
Kasama ni Iza sa pelikula sina Ian Veneracion, TJ Trinidad at Michael de Mesa.
Agad namang nagpahayag ng pagbati ang iba’t ibang artista gaya ni Liza Diño-Seguerra, chairperson ng Film Development Council of the Philippines; at Piolo Pascual, na kapwa nasa Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.