Duterte, nag-sorry kay Robredo sa PMA graduation rites
Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo sa kasagsagan ng talumpati nito sa PMA Graduation rites sa Baguio City.
Ito’y dahil hindi nabati ni Duterte si Robredo sa umpisa ng kanyang speech sa graduation ng PMA Salaknib Class of 2017.
Hindi raw kasi isinama ng kanyang speechwriter ang pangalan ng Bise Presidente sa mga opisyal ng gobyerno na naroroon sa graduation.
Inacknowledge naman ni Duterte si Robredo, at humirit na ‘ang nagsulat nito, hindi ka sinali. Bugbugin natin.’
Sa PMA graduation rites, muling nagkita ang dalawang mataas na lider ng bansa, matapos umalis sa gabinete si Robredo.
Kinamayan ni Duterte si Robredo, at bahagyang nagkamustahan.
Bukod sa VP, ang iba pang opisyal na dumalo sa PMA graduation rites ay sina Presidential spokesperson Martin Andanar at Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakaupo sa gitna nina Duterte at Robredo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.