Sen. Leila de Lima, babasahan na ng sakdal para sa kasong disobedience to summons
Itinakda bukas (March 13) ang arraignment o pagbasa ng sakdal ng korte kay Senadora Leila de Lima kaugnay sa kasong disobedience to summons.
Ang arraignment ay mangyayari sa Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 32, alas-dos ng hapon.
Ang kaso laban kay de Lima ay isinampa ng Department of Justice, matapos payuhan ng senadora ang dati nitong driver at kasintahan na si Ronnie Dayan na huwag dumalo sa imbestigasyon ng Kamara noong nakalipas na taon ukol sa operasyon ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prision o NBP.
Inamin ni de Lima na pinayuhan nga niya si Dayan, sa pamamagitan ng text sa anak nito, na magtago at huwag magpakita sa congressional probe ng Mababang Kapulungan.
Si de Lima ay kasaluyang naka-detine sa Philippine National Police Custodial Center sa loob ng Kampo Krame, dahil sa mga kasong may kinalaman sa Bilibid drug trade.
Matatandaan na sinabi ng mga testigo at ilang Bilibid inmates na si de Lima ay tumanggap ng milyung-milyong piso mula sa operasyon ng bawal na gamot sa loob ng NBP noong kalihim pa siya ng DOJ.
Si de Lima ay isa sa mga kilalang kritiko ng Duterte administration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.