LOOK: Duterte at Robredo, kapwa dumalo sa PMA graduation rites
Kapwa dumalo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa graduation rites ng Philippine Military Academy o PMA sa Baguio City ngayong araw.
Dumating sa Baguio City ang dalawa kahapon, March 12.
Bagama’t magkasama sa iisang stage, hindi naman magkatabi ang dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa.
Si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang umupo sa gitna nina Duterte at Robredo.
Gayunman, namataan na nagshake-hands ang dalawa, nang magkita sa stage.
Si Pangulong Duterte ang guest of honor at speaker sa PMA graduation rites, kung saan siya ang maggagawad ng presidential saber sa 23-year old Cadet First Class Rovi Mairel Valino na valedictorian ng “Salaknib” Class of 2017.
Si VP Robredo naman ang magbibigay ng vice presidential saber kay Cadet First Class Philip Viscaya.
Si Robredo ay hindi na miyembro ng gabinete ni Duterte makaraang magbitaw bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC.
Dahil dito, ilang beses na hindi naimbitahan si Robredo sa malalaking okasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.