Tagaytay radar, balik-operasyon na

 

Balik na sa normal na operasyon ang Tagaytay Radar, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.

10:30 ng Sabado ng gabi ay na-lift na ang notice to airmen o NOTAM BO822/17 hinggil sa shutdown ng Tagaytay radar operation, makalipas ang maintenance work na tumagal mula March 6 hanggang 11, 2017.

Ayon sa CAAP, bunsod nito ay magiging normal na ang serbisyo ng naturang radar sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA, na mula sa 32 hanggang 40 ang flights kada oras.

Ang radar facility sa Tagatay ay isa sa tatlong ginagamit ng CAAP sa kanilang pagbibigay-giya sa flights, partikular sa mga lalapag sa NAIA at Clark.

Ang dalawa pang radar ay matatagpuan sa Laoad at Mt. Majic sa Cebu City.

Sinabi ng CAAP na ang repair ng Tagaytay radar ay kailangan para sa nakatakdang integration nito sa satellite-based Communications, Navigation, Surveillance/Air Traffic Management o CNS/ATM systems.

Matatandaang daang-daang flights ang nakansela dahil sa repair ng Tagaytay radar.

Humingi naman ng paumanhin ang CAAP sa mga apektadong pasahero.

Read more...