Duterte at Robredo, hindi seatmates sa PMA graduation rites
Kapwa dadalo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa graduation rites ng Philippine Military Academy o PMA sa Baguio City ngayong araw.
Dumating sa Baguio City ang dalawa kahapon, March 12.
Bagama’t inaasahang magkakasama sa iisang stage, hindi naman magkakatabi ang dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa.
Nabatid na si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang uupo sa gitna nina Duterte at Robredo.
Si Pangulong Duterte ang guest of honor at speaker sa PMA graduation rites, kung saan nakatakdang niyang igawad ang presidential saber sa 23-year old Cadet First Class Rovi Mairel Valino na valedictorian ng “Salaknib” Class of 2017.
Si VP Robredo naman ang maggagawad ng vice presidential saber kay Cadet First Class Philip Viscaya.
Si Robredo ay hindi na miyembro ng gabinete ni Duterte makaraang magbitaw bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC.
Dahil dito, ilang beses na hindi naimbitahan si Robredo sa malalaking okasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.