Gobyerno at NDF, balik sa usapang pangkapayapaan

 

Inanunsyo ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na nag-resume na ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines/New People’s Army/National Democratic Front o CPP/NPA/ NDF.

Sa kanyang post sa social media, sinabi pa ni Dureza na ibabalik na rin ang unilateral ceasefire.

Epektibo aniya ito sa oras na maiparating ito sa magkabilang-panig, pero tiyak na mangyayari bago ang next round ng peace talks sa April 2017.

Paliwanag ni Dureza, ang unilateral ceasefire ay prelude para sa isang interim bilateral ceasefire na nangangailangan ng serye ng mga pulong sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo upang madetermina at mapagkasunduan ang mga panuntunan, guidelines at mekanismo.

Ang diskusyon sa bilateral ceasefire ng lahat ng panig ay inaaasahang mag-uumpisa sa gitna ng resumption ng peace negotiations, sa unang linggo ng Abril.

Bukod dito, kinumpirma ni Dureza na balik na rin ang inihintong Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG.

Ito’y upang mabigyang-daan ang mga NDF consultants at kanilang staff na nakakulong na makibahagi sa peace work.

Ayon kay Dureza, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagmonitor sa mga negosyador sa Utrecht, The Netherlands sa naturang informal talks na nangyari noong March 10 at 11, 2017.

Matatandaan na pinahinto ni Presidente Duterte ang peace talks at ceasefire noong Pebrero.

Read more...