May panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, na epektibo sa mga darating na araw.
Batay sa oil industry, nasa 50 hanggang 60 centavos ang tapyas-presyo sa kada litro ng diesel.
30 hanggang 40 centavos naman ang price rollback sa bawat litro ng gasolina, habang 60 hanggang 70 ang bawas sa halaga ng kada litro ng kerosene.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ang pormal na anunsyo ng mga kumpanya ng langis.
Noong nakalipas na linggo ay nauna nang nagpatupad ng price rollback ang iba’t ibang oil companies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.