Nasawi sa Bagyong Enawo sa Madagascar, umabot na sa 38

Madagascar-Weather-AP-0311Tatlumpu’t walong katao na ang nasawi habang 180 naman ang sugatan sa gitna ng pananalasa ng Cyclone Enawo sa Madagascar ngayong linggo.

Sa tala ng BNGRC, national disaster management agency ng Madagascar, umabot na sa 53,000 katao ang inilikas.

Ang Cyclone Enawo ang itinuturing pinakamabagsik na bagyong tumama sa bansa sa loob ng 13 taon.

Ayon sa Red Cross, maaaring umabot sa 700,000 katao ang apektado ng bagyo.

Nagpakalat na rin ang Red Cross ng 500 volunteers para tulungan ang naapektuhang 116,191 katao. Noong Martes, tumama sa kalupaan ng Madagascar ang Cyclone Enawo taglay ang hanging aabot sa 230 kilometers per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 270 kph.

Umabot ang Enawo sa Category 4, pangalawa sa pinakamataas na klasipikasyon ng bagyo. Sa ngayon, papalabas na ito ng isla ng Madagascar.

Humina na rin ito at isa na lamang tropical depression.

Read more...