KADAMAY, hindi iiwan ang mga pabahay sa Bulacan

By Alvin Barcelona March 12, 2017 - 12:23 AM

Kuha ni Jomar Piquero
Kuha ni Jomar Piquero

Walang balak ang grupong KADAMAY na umalis sa mga inokupahan nilang pabahay sa Bulacan.

Tiniyak ito ni Carlito Badion, Sec. General ng KADAMAY sa harap ng banta ng National Housing Authority na magpapalabas ito ng eviction order laban sa mga miyembro nila na nag-okupa ng may limang libong housing units sa limang sites sa Bulacan.

Ayon kay Badion, wala silang balak na umalis sa Bulacan at handa silang idepensa ang anila ay mga bahay na matagal na dapat na ibinigay sa kanila ng pamahalaan.

Nilinaw naman ni Badion na hindi totoo na kaya sila matapang ay dahil may armas at baril sila. Sa kabila nito, handa naman aniya silang makipagdayalogo sa NHA pero hindi iaatras ang kanilang pag-angkin sa mga nakatiwangwang na pabahay.

Nanawagan din ito sa gobyerno na itigil na ang panggigipit sa kanila tulad ng pagpapadala ng isang trak na mga pulis at sundalo sa bulacan.

TAGS: Bulacan, Kadamay, NHA, Bulacan, Kadamay, NHA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.