Duterte sa Martial Law: “Do not force my hand into it.”
Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ng Martial Law kapag patuloy na lumala ang terorista sa Mindanao.
Aniya, mangyayari ito kapag pinapatay na rin ng mga terorista pati ang mga inosenteng sibilyan.
Sinabi ni Duterte na naiintindihan niya kung inaatake ng mga terorista ang mga kampo ng militar, ngunit iginiit niya na ibang usapin na kapag binomba na ng mga istruktura ng gobyerno, partikular na ang mga paaralan.
Pagbabanta ng pangulo, makukuha ng mga terorista ang gusto nito. Ani Duterte, “Ayoko ng Martial Law. I am not good at it. Do not force my hand into it.”
Hindi aniya siya magdadalawang-isip na pairalin ang batas-militar kapag nagpatuloy pa ang paghahasik ng terorismo.
Pahayag ni Duterte, “You can even shout until you die. I cannot do anything for you. Just don’t f*ck the Philippines. ‘Wag sa panahon ko kasi ayaw ko talaga inaapi ang tao. Ayaw ko yung inaapi ang Pilipino.”
Ipinahayag din ng pangulo na nakiusap na siya sa mga lokal na pamahalaan sa Mindanao na huwag protektahan ang mga kalaban ng estado. Hindi naman niya pinangalanan ni Duterte kung sinu-sino ang mga opisyal ng pamahalaan na nakikinabang sa terorismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.