Duterte, bibigyan ng posisyon si Sandra Cam kung manghihingi ito

By Rod Lagusad March 11, 2017 - 08:16 PM

sandra-camBibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng posisyon sa gobyerno ang whistleblower at natalong senatorial candidate na si Sandra Cam kung manghihingi ito.

Kaugnay ito, matapos mapag-alaman ni Duterte ang pagkakaroon ng hindi umano na pagkakaunawaan ni Cam sa isang airport staff kung saan sinabi nito na magiging bahagi siya ng gabinete.

Ayon kay Duterte, tinulungan siya ni Cam noong kampanya kaya aniya ay tutulungan niya ito dahil sa utang na loob.

Ito ang pangako ni Duterte kung manghihingi si Cam ng trabaho sa pamahalan.

Dagdag pa ni Duterte na tungkol sa naging umanong pagsigaw ni Cam sa airport ay kanyang “business” at hayaan ang publiko na humusga dito.

Pabirong sinagot ng pangulo sa tanong na kung ano ang magiging posisyon ni Cam sa gabinete, “Wala pa. Magpatay muna tayo ng gabinete bago–kumpleto na iyan eh.”

TAGS: gabinete, Rodrigo Duterte, sandra cam, whistleblower, gabinete, Rodrigo Duterte, sandra cam, whistleblower

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.