Daing ng mga Moro at komunista, hangad ni Duterte na maisahimpapawid sa state-run TV network
Hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte na maihayag sa state-run na People’s Television(PTV-4) ang mga hinaing ng mga komunista at ng mga Moro.
Sinabi ng pangulo na dapat marining ng sambayanan ang daing ng mga ito, lalo pa at pera ng taumbayan ang ginagamit sa pagpapatakbo ng stasyon.
Hinikayat ni Duterte ang New People’s Army na ihayag ang kanilang mga ipinaglalaban sa halip na makipagbakbakan sa gobyerno.
Hinimok niya rin ang Moro National Liberation Front na gamitin din ang oportunidad na ipahayag sa publiko ang saloobin sa pamamagitan ng PTV-4.
Gayunman, nilinaw ng pangulo na hindi bukas ang state-run network sa mga terorista. Hinimok pa niya ang mga ito na makipagbakbakan.
Ipinahayag ito ni Pangulong Duterte sa inagurasyon ng PTV-4 hub sa Cordillera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.