Bagyong ‘Ineng’ inaasahang tatama sa Batanes sa Biyernes, August 21

August 18, 2015 - 08:42 PM

typhoon goniWala pang direktang epekto sa bansa ang bagyong ‘Ineng’ kahit nakapasok na ito sa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR.

Sa pinakahuling datos mula sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, kaninang alas 4:00 ng hapon, araw ng Martes August 18, namataan ang bagyo sa layong 1,305 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 170 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot ng 205 kph.

Ang bagyo ay tumatahak sa direksiyong pa-kanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 25 kph.

Sakaling hindi magbago ng direksiyon ay maasahan ang pagtama nito sa lupa sa Biyernes, August 21 sa bahagi ng Batanes.

Samantala, epekto naman ng thunderstorm ang patuloy na nararanasan sa Metro Manila na nakakaapekto rin sa Bulacan, Navotas, Caloocan, Malabon, Paete sa Laguna , Kalayaan, Luisiana, Majayjay, Nueva Ecija sa General Tinio, Quezon Province, sa Real at General Nakar at ilang bahagi ng Pampanga./ Jen Pastrana

 

 

TAGS: bagyong ineng, bagyong ineng

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.