P70B kita mula sa pagmimina, handang isakripisyo ni Duterte para kay Lopez

mining-620x409Handang ipagpalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa 70 bilyong pisong kita ng gobyerno mula sa mga pagmimina para mapanatiling kalihim ng Department of Natural Resources (DENR) si Gina Lopez.

Ayon kay Duterte nasa launching ng PTV Cordillera Hub sa Baguio City, handa siyang sundan si Lopez at kanyang kukunin na lang sa iba ang 70 bilyong piso para mapreserba ang kalikasan.

 

Aniya, sa kanyang pagsakay sa isang low-flying aircraft, nakita niya ang pagkarira ng kalikasan dahil sa pagmimina sa ilang lugar.

Nakatikim din pagmumura mula sa pangulo ang mga mining companies dahil dito.

Hinimok din ni Duterte ang mga kritiko ni Lopez na muling isipin ang kanilang mga hinaing at tingnan ang pagmamalasakit ni Loipez sa kalikasan.

Kaugnay nito, sa isang ambush interview, nilinaw ni Duterte na hindi intension ng gobyerno na ipasara ang industriya ng pagmimina.

Sinabi ni Duterte sa kanyang naing talumpati nanhindi puwedeng maging “mine-free” ang bansa dahil sa pinapayagan sa batas ang pagmimina.

Read more...