Balasahan sa Kamara, tiniyak ni House Speaker Alvarez
Hindi lamang hamak na pagbabanta ang rigodon sa Kamara, partikular na sa mga mambabatas na bumoto laban sa death penalty bill.
Tiniyak ni House Speaker Pantaleon Alvarez na magkakaroon ng balasahan sa Mababang Kapulungan nang naayon sa panahon na gugustuhin ng mayorya, at hindi ng minorya.
Hindi naman sinagot ni Alvarez kung lahat o iilan lamang sa mga liderato ng mga komite ang papalitan. Aniya, ipinagkatiwala na niya ito kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas.
Nauna nang sinabi ni Fariñas hindi agad-agad mangyayari ang balasahan. Gayunman, wala pang itinatakdang araw para sa rigodon sa Kamara.
Sa 292 myembro ng Kamara, 11 House leaders ang kumontra sa death penalty bill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.