Halaga ng tax deficiency na dapat bayaran ng Mighty Corp., inaalam pa ng BIR
Pinag-aaralan pa ng Bureau of Internal Revenue kung magkano ang kakulangan sa buwis ang dapat bayaran ng Mighty Corporation.
Ipinahayag ito ng Department of Finance matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbayad na lamang ang naturang kompanya nang sigarilyo ng tatlong bilyong piso bilang settlement sa tax deficiency nito.
Ayon kay DOF Secretary Carlos Dominguez III, wala pa silang natatanggap na pormal na kautusan mula sa Pangulo para rito.
Sinabi rin ng kalihim na nahihirapan silang tukuyin kung magkano ang buwis na dapat bayaran ng Mighty dahil pinipigilan aniya sila ng mga abogado ng kompanya na gawin ito.
Noong Lunes, naghain ng temporary restraining order ang korte na nagbabawal sa pagsasagawa ng raid o inspeksyon sa mga pagawaan ng Mighty, mula March 3 hanggang 23.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.