Lola, patay matapos mabangga ng 10-wheeler truck

17270477_571410679735629_332785500_n

Isang lola ang patay matapos na mabangga ng isang cement mixer truck sa Quirino Highway, Sangandaan sa Novaliches, Quezon City pasado alas-10:00 ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Celerina Galgana Marcos, 65-taong gulang, residente ng Dal Sol Steet, GSIS village, Project 8, Quezon City.

Ang nakabanggaa ay nakilala naman na si Isagani Grateja, 37-taong gulang, residente ng Olongapo City at Driver ng Omnicrete Company.

Aminado ang driver na hindi niya nakita ang tumatawid na biktima dahilan para mabangga ito at magulungan ng 10-wheeler na cement mixer na may plakang AAI 1122.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong rekcless imprudence resulting to homicide.

Read more...