VP Robredo, dadalo sa commencement exercises ng PMA bukas
Wala nang atrasan ang pagdalo ni Vice President Leni Robredo sa Commencement Exercises ng Philippine Military Academy “Salaknib” Class of 2017 sa Philippine Military Academy sa Baguio City bukas.
Makakasabay ni Robredo sa pagdalo sa PMA graduation si Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Robredo ang personal na magbibigay ng Vice Presidential Saber kay Cadet First Class Philip Modestano Viscaya, ang top two graduating cadet sa PMA ngayong taon.
Ngayong Sabado, pangungunahan ni Robredo ang paglulunsad ng Istorya ng Pag-Asa sa University of Cordillera, Baguio City.
Magsasagawa rin ito ng konsultasyon at dayalogo sa mga mag-aaral sa Red Lion, Leonard Road, Baguio.
Tampok sa Istorya ng Pag-asa (INP) ang mga kuwento ng pagasa at pang araw araw na kabayanihan sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.