Moon Jae-In, lumilitaw na kapalit ni impeached SoKor president Park

By Rohanisa Abbas March 11, 2017 - 02:10 PM

moon jaein
AP File Photo

Tila napupusuaan ng mga mamamayan ng South Korea si Moon Jae-In, dating special action forcers soldier, na humalili kay Park Geun-Hye makaraang ma-impeach ito sa pagkapungulo.

Batay sa survey ng Realmeter ngayong linggo, nangunguna si Moon sa 36.1% laban kay acting president Hwang Kyo-Ahn sa 14.2%.

Si Moon ay mula sa Democratic Party at dating chief of staff ni South Korean President Roh Moo-Hyun. Isa rin siyang abogado ng karapatang pantao.

Sa loob ng 60 araw mula nang mapatalsik si Park, kailangang magsagawa ng presidential election ang South Korea.

Kahapon, tuluyan nang pinatalsik sa pwesto si Park dahil sa pagkakasangkot sa corruption scandal ng kanyang malapit na kaibigan. Pinagtibay ng korte ang pasya nitong i-impeach ang pangulo.

Samantala, nauna nang ipinahayag ni Moon noong Disyembre na kapag nahalal bilang pangulo, handa siyang bisitahin ang North Korea para siguruhin ang seguridad ng United States bago tumulak ang kaalyado sa lugar. Aniya, kinakailangang maibsan ang tensyon sa pagitan ng South Korea at North Korea.

Isinilang si Moon sa Geoje, South Korea sa kasagsagan ng Korean War noong 1952 makaraang lumikas mula sa North Korea ang kanyang mga magulang.

TAGS: impeached, Moon Jae In, north korea, Park Geun-hye, south korea, US, impeached, Moon Jae In, north korea, Park Geun-hye, south korea, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.