Mga kasal na lalaki, posibleng payagan nang mag-pari
Posibleng mapayagan nang maging pari ang mga kasal na lalaki.
Ito ay matapos sabihin ni Pope Francis na bukas siya sa posibilidad na payagan ang mga kasal na lalaki na pasukin ang pagpapari para matugunan ang kakapusan ng pari sa Simbahang Katoliko.
Sa panayam sa kaniya sa German newspaper na “Die Zeit” sinabi ng Santo Papa na itinuturing niyang “enormous problem” ang kakulangan ng Catholic priests.
Dahil dito, nagpakita ng indikasyon ang Santo Papa na bukas siyang baguhin ang kasalukuyang rules ng Simbahan hinggil sa pagtanggap ng mga nais mag-pari.
“We need to consider if ‘viri probati’ could be a possibility,” ayon sa Santo Papa.
Ang ‘vivi probati’ ay Latin term na ang ibig sabihin ay ‘tested men’ o ‘married men’.
Sinabi ni Pope Francis na posibleng payagan ang mga kasal nang lalaki na ma-ordinahan bilang pari, pero hindi ito mangangahulugan na ang mga kasalukuyan nang mga pari ay papayagan naman na magpakasal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.