Sobrang pagtarabaho, nakamamatay

By Len Montaño March 10, 2017 - 04:39 PM

bpo2Naalarma si Senator Grace Poe sa ulat na aabot sa mahigit walong milyong Pilipino ang overworked.

Dahil dito, inihain ni Poe ang panukalang batas o ang Senate Resolution no. 316 na layong imbestigahan ang nakakaalarmang pagtaas ng bilang ng mga overworked na Psa nakalipas na dalawampung taon.

Binanggit ng senador ang report ng Philippines Statistics Authority (PSA) na may tituong “Decent work in the Philippines” kung saan lumitaw na mayroong 8.1 million overworked Filipinos noong taong 2015.

Ito ay 41.2 percent o mahigit 2.3 million na mas mataas kumpara sa mahigit 5.7 million na overworked na Pinoy noong 1995.

Lumabas din sa report na mahigit 8.8 miliion ang mga taong sobra-sobra ang oras ng trabaho kada linggo noong 2015 at mas mataas ito ng ng 4.5 percent o 378,000 mula sa 8.5 million noong 2005.

Ayon kay Poe, nakakamatay ang sobrang trabaho at nakalulungkot isipin na ang pagtatrabaho ang isang empleyado ay ikareresulta ng madali nitong kamatayan.

Dahil dito ay iminungkahi ng senadora ang komprehensibong pagsusuri sa mga polisiya ng mga kumpanya na nag-oobliga sa mga empleyado na magtrabaho ng mahabang oras pati ang pagbago sa labor laws at ang pagpasa ng batas na titiyak ng patas at makataong kundisyon ng trabaho.

 

 

 

 

 

TAGS: grace poe, overworked filipinos, psa, Radyo Inquirer, Senate, too much work will kill you, grace poe, overworked filipinos, psa, Radyo Inquirer, Senate, too much work will kill you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.