May natukoy ng suspek ang mga otoridad na posibleng pasimuno sa madugong Bangkok Blast kagabi.
Ayon kay Junta chief at Thailand Prime Minister Prayut Chan-O-Cha, nakunan ng CCTV ang naturang suspek na siyang target ng malawakang manhunt operation sa ngayon.
Paniniwala ni Prayut, miyembro ang suspek ng isang anti-government group na nagmula sa northeast part ng Thailand.
Nais umano ng suspek na guluhin ang kasalukuyang lagay ng lipunan sa Thailand kaya’t isinagawa nito ang karumal-dumal na krimen na ikinamatay ng 22 katao at ikinasugat ng mahigit 140 iba pa.
Samantala, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na isang Pinay ang nasugatan sa matinding pagsabog sa harapan ng isang religious shrine sa central Bangkok.
Ayon sa DFA, naapektuhan ang pandinig ng hindi muna pinangalanang Pinay.
Ito’y nasa pangangalaga na ng kanyang pinaglilingkurang pamilya sa ngayon. / Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.