Pekeng tax stamps, ibinebenta sa Alibaba.com; founder ng Alibaba na si Jack Ma, sinulatan ng DOF

By Dona Dominguez-Cargullo March 10, 2017 - 03:21 PM

Alibaba.comSinulatan ng Department of Finance (DOF) ang chairman at founder ng Alibaba.com na si Jack Ma, matapos matuklasan na nagbebenta ang nasabing online shopping ng pekeng cigarette tax stamps.

Ang liham ni Finance Sec. Carlos Dominguez na may subject na “online selling of fake cigarette tax stamps” ay naka-address mismo kay Jack Ma, biulang Chairman ng Alibaba Group sa Hangzhou, China.

Nakasaad sa liham na natuklasan ng pamahalaan ng Pilipinas na nabibili sa Alibaba.com ang mga pekeng tax stamps.

Dahil dito, hiningi ni Dominguez ang kooperasyon ng pamunuan ng Alibaba at hiniling na agad itigil ang pag-advertise o pagbebenta ng pekeng tax stamps ng sigarilyo.

Ipinaalam din ni Dominguez kay Ma ang kasalukuyang effort na ginagawa ng Pilipinas laban sa mga tax evaders, kabilang na ang mga manufacturer ng sigarilyo na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Ayon kay Dominguez, ang pag-advertise at pagbebenta ng pekeng tax stamps sa Alibaba.com ay nagbibigay pa ng mas madalingDOF Letter to Alibaba Chairman Jack Ma access para sa mga negosyante ng sigarilyo na matakasan ang pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.

“Advertising and selling of fake tax stamps in the open, through your company’s web portal, provides so much room and easy access for individuals and entities to evade excise tax on cigarettes in the Philippines,” nakasaad sa liham ni Dominguez kay Ma.

Kalakip ng nasabing liham ni Dominguez kay ma ang screenshot ng webpage ng Alibaba.com kung saan makikita ang mga larawan ng pekeng tax stamp na ibinebenta.

Binigyan din ng kopya ng nasabing liham ang ambassador ng China sa Pilipinas na si Zhao Jianhua.

 

 

 

 

TAGS: Alibaba, BIR, cigarette tax stamps, Department of Finance, fake tax stamps, Jack Ma, Alibaba, BIR, cigarette tax stamps, Department of Finance, fake tax stamps, Jack Ma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.