Bagong buo na PNP-DEG, mayroon nang 54 na miyembro

By Dona Dominguez-Cargullo March 10, 2017 - 02:46 PM

INQUIRER PHOTO | Julianne De Jesus
INQUIRER PHOTO | Julianne De Jesus

Isang linggo matapos buuin, nakapag-recruit na ng 54 na bagong miyembro ng Drug Enforcement Group (DEG) ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay DEG director, Senior Supt. Graciano Mijares, nabigyan na ng kani-kanilang assignment ang 54 na bagong recruit kasabay ng pagtitiyak na ang mga ito ay dumaan sa istriktong selection process para matiyak na wala silang hindi magandang record.

Ang ibang bagong miyembro ng DEG na galing sa binuwag na Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) ng PNP ay sasailalim muna sa background investigation at periodic drug testing.

Ani Mijares, magkakaroon din ng sariling counter-intelligence unit ang DEG.

Marami-rami pang kakailanganing tauhan ang DEG dahil kailangann nito ng 477 na miyembro sa buong bansa.

Sa ngayon ayon kay Mijares, mayroon pang 60 pulis mula sa iba’t ibang lalawigan ang nagpahayag na rin ng intension na sumapi sa kanila.

Ang DEG ay binuo para habulin ang mga itinuturing na high-value targets gaya ng financiers, manufacturers, distributors, traffickers at protectors ng illegal drug trade.

 

 

 

 

TAGS: Graciano Mijares, PNP-DEG, Graciano Mijares, PNP-DEG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.