Mosyon ni De Lima na nagpapabasura sa kaniyang kaso, isinailalim sa pagdinig ng korte

PNP Photo
PNP Photo

Dininig ng Muntinlupa Regional Trial (RTC) ang mga mosyon na inihain ng kampo ni Senator Leila De Lima at ng Department of Justice (DOJ) may kaugnayan sa illegal drug trade sa Bilibid.

Sa pagdinig, binigyan ni Judge Amelia Fabros-Corpuz ng Muntinlupa RTC Branch 205 ang panig ni De Lima ng 10-araw upang magsumite ng reply sa komento ng DOJ sa motion to quash at motion for determination of probable cause habang 10-araw din ang ibinigay sa DOJ para magsumite ng sagot kung kinakailangan.

Sampung araw din ang ibinigay ng korte sa depensa para magkomento sa inihaing mosyon ng DOJ upang i-consolidate ang mga kaso.

Samantala, lumabas sa pagdinig na hindi pamangkin ni De Lima si Jose Adrian Dera na kapwa nito akusado kundi ito umano ay pamangkin ni sinasabing karelasyon ng senadora.

Itinakda naman ng korte ang susunod na pagdinig sa April 21 ganap na alas 9:00 ng umaga.

Plano pa rin naman DOJ na hilingin sa korte ng magpalabas ng gag order sa mga partido na may kaugnayan sa kaso ni De Lima.

Bagaman ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong na siyang pinuno ng DOJ panel, hindi na kailangan pa na maglabas ng gag order dahil piwede pa silang ma-subjudice.

Napikon namam si Ong sa media matapos isama sa report kamakailan na kabilang si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II sa nais nilang isyuhan ng gag order.

Ayon kay Ong ang sinabi niya ay lahat ng partido at wala siyang direktang binanggit na kasama ang kanyang boss.

 

 

 

 

Read more...