Simbahan, human rights group at mga abogado, nagsanib-pwersa kontra Tokhang reloaded

By Ricky Brozas March 10, 2017 - 01:49 PM

INQUIRER PHOTO / JHESSET ENANO
INQUIRER PHOTO / JHESSET ENANO

Naghayag ng magkahalong galit at lungkot ang iba’t ibang grupo dahil sa pagbabalik ng war on drugs ng Philippine national Police.

Kabilang sa kanilang kinondena ang pagbuhay sa Oplan Tokhang at ang paglulunsad ng Oplan Double Barrel Reloaded.

Magkakasamang nagpahayag ng pagkadismaya ang mga kinatawan mula sa Simbahang Katoliko, human rights group at mga abogado.

Sa pahayag ni Father Gilbert Billena ng grupong Rise Up for Life and For Rights na binubuo ng iba’t ibang church leaders, hindi naging matagumpay ang Oplan Tokhang ng PNP sa pagsugpo ng krimen.

Kasabay nito ay tiniyak naman ng National Union of People’s Lawyers o NUPL sa simbahan na sila ay tutulong sa paghahain ng kaso sa ilang tukoy na gunman o suspek sa pagpatay sa hinihinalang drug suspects.

Ang mga abogadong miyembro ng NUPL ang magbibigay ng tulong na legal sa mga pamilyang namatayan nang dahil sa war on drugs ng PNP./ Ricky Brozas

 

TAGS: Oplan Double Barrel Reloaded, Oplan Tokhang, Oplan Double Barrel Reloaded, Oplan Tokhang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.