Susan Roces, ipinagtanggol ang anak na si Grace Poe sa citizenship issue

August 18, 2015 - 05:02 PM

Inquirer file photo

Matapang na pumalag sa mga kumukuwestyon sa pagiging Pilipino ni Sen. Grace Poe  ang kanyang inang si Susan Roces.

Sa mga kumukuwestiyon sa citizenship ng anak, ito ang sinabi ni Susan, “How dare they! Wala silang karapatang duru-duruin ang anak ko at sabihing hindi (Filipino) citizen ang anak ko!”

Ito ang naging emosyonal na pahayag ni Susan sa isang ambush interview ng mga mamamahayag sa Pasig City bilang reaksyon sa mga kumukuwestyon sa pagiging Pilipino ni Sen. Grace Poe.

Magkasama pa aniya sila ni FPJ o Fernando Poe Jr. na pumunta sa korte upang gawing legal ang pag-ampon sa senadora kaya’t walang karapatan ang sinuman na kuwestyunin ang pagiging lehitimong Pilipino ng kanyang anak.

Malinaw din aniyang nakasaad sa birth certificate ni Sen. Poe na ang pangalan ng tatay nito ay si Ronald Allan Poe na tunay na pangalan ni FPJ at Jesusa S. Poe na pangalan naman ni Ms. Roces.

Inalala pa ni Ginang Roces na nang matagpuan si Grace sa simbahan sa Jaro, Iloilo, nakakabit pa ang umbilical cord nito.

“Nakakabit pa ang pusod niya. Kukuwestiyunin nila kung citizen siya ng bansang ito? Hindi ko alam kung anong pamantayan nila,” giit ni Ginang Roces. “Kahit askal lalaban nang patayan, huwag mong mahipo-hipo ang tuta ng bagong inahing aso. Kahit hayop nasasaktan kapag ginagawan ng ‘di maganda,” matapang na pahayag pa ng premyadong aktres./Inquirer, Jay Dones

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.