Korte pinagtibay ang impeachment kay Park Geun-hye ng South Korea
Pinagtibay ng South Korean judges ang nauna nilang desisyon na nagpapatalsik sa pwesto kay President Park Guen-hye matapos masangkot sa corruption scandal ng kaniyang malapit na kaibigan.
Noong Disyembre unang nagpasya ang korte na ma-impeach si Park at ngayong araw sa inilabas na desisyon, pinapagtibay ang pagpapatalsik sa kaniya sa pwesto.
Kasabay ng impeachment, wala na ring presidential immunity si Park at maari nang malitis sa kaso.
Dahil dito, kinakailangang agad na itakda ang eleksyon sa South Korea para sa magiging bagong pangulo.
Posibleng sa May 9 ganapin ang eleksyon dahil kinakailangang magkaroon ng bagong lider ang South Korea sa loob ng 60-araw matapos mabakante ang pwesto.
Si Acting President at Prime Minister Hwang Kyo-ahn ang magdedesisyon ng eksaktong petsa ng eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.