WATCH: 2 ang patay sa Payatas QC, matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay

By Cyrille Cupino March 10, 2017 - 08:13 AM

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Dalawa ang patay at isa ang sugatan matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa loob mismo ng kanilang bahay sa Gumamela Ext., Brgy. Payatas, Quezon City.

Pinadapa ang mga biktimang sina Oliver Balise, Arnulfo Dasig at Edgar Las Piñas, saka pinagbabaril pasado alas-onse kagabi.

Dead-on-the-spot sa dami ng tama ng bala ng baril sa katawan sina Balise at Dasig, habang sa hita tinamaan si Las Piñas na isinugod sa East Avenue Medical Center.

Nakuha sa loob ng bahay ng mga biktima ang pitong sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, kalibre kwarenta’y singko na baril, at mahigit labing pitong pisong cash.

Lumabas sa imbestigasyon na tatlo hanggang apat na armadong mga lalaki na nakasuot ng bonnet ang nasa likod ng pamamaril.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing pagpatay.

TAGS: 2 killed, payatas quezon city, Radyo Inquirer, Shooting Incident, 2 killed, payatas quezon city, Radyo Inquirer, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.