Nagkaisa ang iba’t-ibang lider ng mga bansa sa pag-kundena sa pagpapasabog sa Central Bangkok sa Thailand.
Sa pinakahuling tala, 22 katao na ang iniulat na namatay sanhi ng matinding pagsabog.
Sa mensahe ni United Nations Secretary General Ban Ki-Moon, sinabi nito na kaisa siya sa mga nakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi at humihiling ng agarang paggaling ng mga nasugatan.
Kinondena rin ng US State Department at ng US National Security Council ang karumal-dumal na krimen.
Nagpadala na rin ng mensahe ng pakikiramay si Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong, at ang kanilang Foreign Ministry.
Isa sa mga nasawi sa nasabing pagsabog ay Singaporean.
Maging ang European Union ay nagpahatid ng pakikiramay sa mga biktima ng pagsabog.
Samantala, nagpahatid na rin ng mensahe ng pakikiramay ang Pilipinas sa mga nabiktima ng insidente sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs.
Patuloy namang kinukumpirma pa ng Kagawaran ang balitang isa sa mga nasawi ay Pilipino./ Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.