4 na bahay natupok sa sunog sa QC at Navotas

By Cyrille Cupino, Jan Escosio March 10, 2017 - 08:04 AM

fireDalawang magkahiwalay na sunog ang naganap mula kagabi hanggang umaga ng Biyernes sa Quezon City at Navotas.

Unang tinupok ng apoy ang isang bahay sa Sto. Domingo St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Pasado ala-una nang madaling araw nang magising ang mga residente dahil sa makapal na usok na nagmula umano sa kanilang kusina.

Tatlong pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Wala namang naitalang sugatan sa naturang sunog.

Inaalam pa naman ng Bureau of Fire Protection ang halagang tinupok ng apoy at kung ano ang pinagmulan nito.

Samantala, umabot din ng 2nd alarm ang sunog na naganap sa Navotas City.

Nagsimula ang apoy alas 5:39 ng umaga sa Barangay NBBN.

Bagaman pitong minuto lamang tumagal ang sunog at agad naideklarang fire out ay umabot sa tatlong bahay ang nadamay sa insidente.

 

TAGS: fire, navotas, quezon city, fire, navotas, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.