Dahil kung hindi, sinabi ng pangulo na maaring mapilitan na siyang gumamit ng “extraordinary powers” upang magdeklara ng martial law sa Mindanao bilang solusyon.
Paglilinaw naman ni Duterte, wala pa siyang anumang idinedeklara, ngunit umaapela na siya sa mga lokal na opisyal na gamitin ang pwersa ng mga pulis at huwag nang protektahan ang mga sangkot sa iligal na droga.
Nakikiusap rin aniya siya sa mga ito na itaboy ang mga terorista sa kanilang mga teritoryong nasasakupan.
Dagdag ni Duterte, bilang pangulo ay tungkulin niyang protektahan ang lahat kaya baka mauwi na siya sa paggamit ng “extraordinary powers” upang harapin ang mga nasabing namamayagpag na problema sa Mindanao.