Ito ang kinumpirma ni PCSupt Reuben Theodore Sindac na regional director ng Philippine National Police (PNP) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Aniya, ang dalawang police na ito ay may mga ranggong PO2 at ngayo’y inihahanda na nila ang pagsasampa ng kaso laban sa dalawa
Samantala, iniutos na rin ni Sindac sa kaniyang mga tauhan ang pagbuo ng task force para naman tutukan ang kaso ng mga police scalawags na nag AWOL o absence without official leave.
Matatandaang noong February 21, 54 na mga police scalawags ang ipinatapon sa Basilan at dalawa dito ay kinansela ang kanilang order.
Makalipas naman ang dalawang linggo, 66 ang idinagdag sa mga ipinatapon sa Basilan, ngunit siyam lamang sa kanila ang nag-courtesy call sa Police Regional Office ARMM command group and staff.