Halos 300 sasakyan na sangkot sa Rent-Sangla Scam, naibalik na ng PNP-HPG sa mga may-ari

By Ruel Perez March 10, 2017 - 04:57 AM

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Umabot na sa 282 na mga sasakyan na sangkot sa Rent-Sangla Scam ang nai-release na nang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Task Force Limbas.

Ayon kay Senior Insp. Jem Delantes, ito ay mula sa mga sasakyan na nabawi ng Task Force Limbas sa Camp Crame at sa mga naka-impound sa HPG Region 4A.

Hiwalay pa ito sa mahigit na 200 na mga sasakyang nasa compound ng National Bureau of Investigation (NBI) naman sa Tagaytay City.

Ani Delantes, sa estimate nilang 1,800 na mga sasakyan na natangay, ay nangangalahati na sila sa mga nabawi.

Hanggang ngayon ay hinihintay nila ang aksyon ng Department of Justice (DOJ) sa kasong large scale estafa na kanilang iniharap laban sa limang suspek na sina Tychicus Nambio, Rafaela Anunciacion, Eleonor Lea Rosales, Jennelyn Berroya at Anastacia Cauyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.