Lopez, pinayuhang huwag tumulad kay Yasay sa hearing

By Kabie Aenlle March 10, 2017 - 04:46 AM

Gina LopezPinayuhan ni Sen. Panfilo Lacson si Environment Sec. Gina Lopez na magbigay ng mga sapat at kumpletong sagot sa mga itatanong sa kaniya ng mga miyembro ng Commission on Appointments (CA) para makalusot na siya sa confirmation.

Nabatid kasi ni Lacson na noong humarap si Lopez sa komisyon noong Miyerkules, puro kapos ang kaniyang mga sagot sa mga katanungan ng mga miyembro.

Paalala ni Lacson kay Lopez, kailangang ayusin niya ang pagsagot sa mga miyembro ng komisyon dahil naroon siya para kumbinsehin ang mga ito.

Aniya pa, ayaw naman niyang matulad ang sitwasyon ni Lopez kay Secretary-designate Perfecto Yasay Jr. na na-reject sa kaniyang appointment sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Bilang chairman kasi ng CA committee on foreign affairs, si Lacson ang nagbasa sa pag-reject ng komisyon sa appointment kay Yasay sa plenaryo dahil sa umano’y pagsisinungaling nito tungkol sa kaniyang US citizenship.

Ayon pa kay Lacson, muntik na siyang mag-move para sa confirmation ni Lopez noong Miyerkules pa lamang, ngunit nakukulangan siya sa mga sagot nito.

Bagaman naging maganda aniya ang presentation ni Lopez, ngunit kulang ang mga isinasagot ng kalihim para kumbinsehin ang hindi bababa sa 13 na CA mambers.

Kailangan kasing makuha ng isang appointee ang boto ng majority sa CA na may 24 members, upang mairekomenda siya sa plenaryo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.