Back channel peace talks, apektado sa pag-atake ng NPA sa mga pulis

By Chona Yu March 10, 2017 - 04:42 AM

abellaTiyak na makaapekto sa back channel ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang pananambang ng rebeldeng grupo sa apat na pulis sa Bansalan, Davao del Sur.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, makaka-impluwensya ang naturang insidente sa peace talks.

Sinabi pa ni Abella na kinakailangan na may mas konkretong aksyon na gawin ang rebeldeng grupo kung nais pa ng mga ito na matuloy ang usaping pangkapayapaan.

Binisita naman kahapon ni Pangulong Duterte ang mga labi ng apat na nasawing pulis na sina Police Officers 1 Rolly Belayo, Joe Narvasa at Saro Mangutara ng Bansalan police, at PO3 Jayden May Rabor ng Davao del Sur SOCO, pati na si PO3 Allen Arnado.

Nangyari ang pananambang habang patungo ang mga pulis sa Bansalan, upang imbestigahan ang isang kaso ng murder sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.