Lascañas: 4 na miyembro pa ng DDS ang lalantad

By Kabie Aenlle March 10, 2017 - 05:00 AM

INQUIRER FILE PHOTO
INQUIRER FILE PHOTO

Ibinunyag ng self-confessed hit man na si dating SPO3 Arthur Lascañas na mayroon pang apat na miyembro din umano ng Davao Death Squad (DDS) ang lalantad upang ihayag ang katotohanan tungkol sa vigilanteng grupo.

Sa panayam ng Inquirer kay Lascañas, kinumpirma niyang mayroon pang dalawang inaasahang lalantad sa publiko.

Mayroon din aniyang dalawa pa na ang tungkulin ay kapareho ng ginagawa nila ng self-confessed DDS member din na si Edgar Matobato na sumusunod din lang sa mga utos ng mga boss.

Ayon kay Lascañas, kabilang sa mga main bosses nila ay si Jim Tan, na aniya’y personal niyang ni-recruit dahil may konektsyon ito sa mga hit men.

Maliban kay Tan, si Sonny Buenaventura naman ang nagbibigay ng listahan ng mga ipapa-“neutralize” o ipatutumba ni Pangulong Rodrigo Duterte noong siya pa ay alkalde ng Davao City.

Inamin naman ni Lascañas na siya ang nangangasiwa sa pagpa-plano ng mga operasyon.

Hindi naman matiyak ni Lascañas kung paano makakarating sa Maynila ang mga dati niyang kasamahan sa DDS, pero sigurado aniya siya na wala na ang mga ito sa Davao.

Gayunman, mayroon pa aniyang isang pulis na nasa Davao pa rin hanggang ngayon pero nakahanda namang lumutang.

Ani Lascañas, posibleng gusto lang lumantad ng apat upang sabihin lang talaga ang lahat ng kanilang nalalaman, lalo’t tumatanda na rin sila.

Bagaman umaasa siyang hindi mauuwi sa ganito, posible aniyang may nag-aabang nang pumatay sa mga ito dahil nabanggit niya ang mga pangalan ng mga ito sa kaniyang testimonya.

Naniniwala naman siyang magagawan ng paraan ng mga ito na makalabas sa publiko upang gawin ang kanilang pakay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.