Matabato, naglagak na ng piyansa sa Manila RTC
Naglagak na ng piyansa sa Manila Regional Trial Court (RTC) ang nagpapakilalang miyembro ng grupong Davao Death Squad.
Si Edgar Matobato kasama ang kanyang abogado na si Atty. Jude Sabio ay nagbayad ng 200 libong pisong halaga ng piyansa Manila RTC branch 48.
Kaugnay ng warrant of arrest na pinalabas ni Judge Carmellita Sarno-Davin, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 19 ng Digos City, Davao del Sur.
Ang warrant ay may kinalaman sa kasong frustrated homicide dahil sa tangkang pagpatay sa dating opisyal ng dept of agrarian reform (DAR).
Matapos ang magpiyansa, nagtungo si matobato sa tanggapan ni Manila Police District Director, Chief Supt, Joel Napoleon Coronel para boluntaryong sumuko.
Makaraan namang humarap sa media ay agad na isinalang sa booking process ng MPD si Matobato kasama ang finger printing at pagkuha ng mugshot.
Samantala ayon kay Coronel, habang wala pang release order na pinalalabas si Judge Sarno-Davin, si Matobato ay mananatili sa kostudiya ng MPD warrant section.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.