Philippine Coast Guard, handa na sa mahabang diving season
Handa na ang Philippine Coast Guard sa mahabang diving season na nagsimula ngayong buwan ng marso.
Kaugnay nito ay pinaistambay na ng PCG ang kanilang hospital ship sa Puerto Princesa bilang preparasyon sa pagsisimula ng mahabang dive sa UNESCO World Heritage Site na Tubattaha Reef na binubuo ng 130, 000 ektaryang bahagi ng karagatan o marine park sa gitna ng Sulu sea.
Ayon kay Commander Armand Balilo, ang tagapagsalita ng PCG, daan-daang scuba divers mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang gagalugad sa makasaysayang reef.
Ang mga diver aniya ay kinabibilangan din ng mga marine biologist at mga scientist upang magmasid sa 600 species ng tropical fish, 350 species ng soft at hard coral, 14 na species ng mga pating gaya ng tiger shark, white at black tip sharks at 12 species ng dolphins, balyena, mga pawikan at iba pang pambihirang species na nabubuhay sa karagatan na doon lamang matatagpuan.
Sinabi ni Balilo na mahalagang mailapit pa sa Tubataha Reef ang BRP Batangas, isang search and rescue vessel ng PCG na nagtataglay ng decompression chamber, hyperbaric doctor (mga doctor na eksperto sa decompression sickness), na handang tumulong sakaling may diver o magkaroon ng tinatawag na decompression sickness, na dito ay ginagamit ang proceso ng hyperbaric oxygen therapy.
Bilang pagsisimula ng dive season ngayong summer, una munang pupuntahan ng mga scuba diver ang Apo Reef sa Mindoro Occidental at sa Coron, Palawan saka sila magtutungo sa susunod na linggo sa Tubbataha Reef.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.