BIR, nagsasagawa ang imbestigasyon laban sa Mighty Coporation

mighty cigarettesNagsasagawa na ng imbestigasyon ang Bureau of Internal Revenue laban sa Mighty Corporation.

Ayon kay Internal Revenue Assistant Commissioner James Roldan na bago pa man pumutok ang isyu laban sa Mighty Corporation ay mayroon na silang isinasagawang imbestigasyon dito.

Gayunman, tumanggi na itong idetalye pa ang estado ng naturang imbestigasyon.

Ayaw na rin muna nitong mag-komento sa alegasyon ng Mighty Corp., na sira lang ang kanilang gadget kaya lumalabas na peke ang mga tax stamps sa kahon ng sigarilyo ng nasabing kumpanya.

Ang Mighty Corporation ay isinasangkot sa smuggling ng sigarilyo at pamemeke ng mga BIR tax stamps.

 

Read more...