3 kompanya, inireklamo ng BIR dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis
Tatlong pribadong kumpanya ang inireklamo ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.
Ang mga inireklamo ay ang mga opisyal ng Master Sports Corporation na sina Lovell Gopez, President at CEO, VP-Treasuer na si Erlinda Gopez at Treasury Manager na si Maricar Santos.
Sinabi ng BIR na hindi nagbayad ng buwis ang mga ito para sa taong 2012 hanggang 2015 na aabot sa 7.12 milion pesos.
Inireklamo din ng tax evasion ang mga opisyal ng kumpanyang Aeroflite Aviation Corp., na sina Arnel Miguel, na tumatayong presidente at Jerome valera, treasurer para sa mga hindi nabayarang buwis noong 2008 na aabot sa 3.15 million pesos.
Aabot naman sa 14.90 million pesos tax liability ng kumpanyang Chow Master Corp., na pagmamay-ari nina Rebecca Ann Sy na siyang presidente ng kumpanya.
Kasama din sa kinasuhan ang tresurer nito na si Jojo Candelario at Chief Financial Officer na si Alice Yap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.