Public school teacher, dinukot ng ASG sa Sulu

By Erwin Aguilon March 09, 2017 - 04:40 PM

Google map
Google map

Isang guro ang panibagong biktima ng pandurukot ng Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng sulu.

Ayon sa source ng Radyo Inquirer, nakilala ang biktima na si Ibrahim Putong, 35 anyos at guro sa Jolo National High School.

Nabatid na sakay ng motorsiklo ang biktima galing sa paaralang pinagtuturuan ng harangan ng mga miyembro ng Abu Sayyaf sa bahagi ng Maimbung.

Matapos ito, kaagad tumakas ang mga suspek tangay ang nasabing biktima.

Sa ngayon mayroong 27 na bihag ang Abu Sayyaf Group kung saan 13 dito Vietnamese, walong Pinoy, isang Dutch national, isang Japanese, dalawang Indonesian at dalawang Malaysian.

TAGS: abu sayyaf group, public school teacher, Sulu, abu sayyaf group, public school teacher, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.